Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF CATBALOGAN CITY
Oktubre 3,2018
MEMORANDUM PANSANGAY No. 355, s. 2018
2018 PANSANGAY NA TAGISAN NG TALENTO SA FILIPINO
PARA SA :
Pinuno ng Curriculum Implementation Division
Pampurok na Tagamasid
Punongguro ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralang Elementarya at Sekondarya
Mga Tagapayo atTagapagsanay sa Filipino
1. Bilang paghahanda na gawain para sa 2018 Panrehiyon na Tagisan ng Talento sa Filipino, ang Sangay ng Lungsod ng Catbalogan sa pamamahala ng Curriculum Implementation Division ay nais ipaalam sa mga Punongguro ng mga pampubliko at pribadong Elementarya, Junior at Senior High na mga Paaralan ang tungkol sa gaganapin na ” 2018 Pansangay na Tagisan ng Talento sa Filipino”, Oktubre 30,2018, Lungsod ng Catbalogan.
2. Layunin ng gawaing ito ang:
a. mapahalagahan ang mga mag-aaral para maipakita ang kanilang kakayahan at talento mula sa mga natutunan sa asignaturang Filipino.
b. maitaguyod ang pagtitiwala sa sarili, mapanuri at malikhaing pag-iisip ng mga mag-aaral
c. mabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na mapaunlad ang kakayahang makipagkapwa at makipagtagisan nang naaayon sa pamantayan ng kagandahang-asal sa pakikipagpaligsahan; at
d. makapili ng mga potensyal na kalahok upang kumatawan sa Sangay para sa 2018 Panrehiyong Tagisan ng Talento sa Filipino.
3. Ang mga kalahok ay mga mag-aaral sa Elementarya , Sekondarya at Senior High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan. May apat na kategorya ang patimpalak; (1) Dagliang Talumpati na lalahukan ng isang mag-aaral sa Senior High School; (2) Interpretatibong Pagbasa na lalahukan ng apat (4) na kalahok na kabibilangan ng mag-aaral mula sa Baitang- 7,8,9,10; (3) Sulat Bigkas Tula (SulKas) na lalahukan ng isang mag-aaral sa ika- 6 na baitang, (4) Madulang Pagkukuwento na lalahukan naman ngapat (4) na kalahok na kabibilangan ng mga mag-aaral sa Baitang 4,5 at 6 at isang (1) Graded SPED na may edad labinlima pababa. Pakibasa sa kalakip na panuntunan para sa Pambansang Tagisan ng Talento sa Filipino 2018.
4. Walang babayaran na rehistrasyon ang bawat kalahok dahil ang mga kaukulang gastusin para sa paligsahan ay manggagaling sa pondo ng HRTD na sasailalim sa nakagawiang panuntunan sa pagsusuri at pag-aawdit.
5. Hinihiling ang maaga at
malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF CATBALOGAN CITY
Kalakip: Pamantayan ng Paligsahan
Sanggunian: Panrehiyonal na Memorandum Big. s. 2018
Pamamahagi: 1- 2 { D.O. 56-97 )
llalagay sa PalagiangTalatuntunan sa ilalim ngmgsumusunod na paksa:
TAGISAN PAMBANSA PALIGSAHAN TALENTO
Enclosure No. 2 to DepEd Memorandum No. , s. 2019
2019 PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO
SA FILIPINO
Paligsahan
Baitang ng Mag-
aaral
Kategorya
Bilang ng Kalahok Oras na Inilaan
Batayan ng
Kapasyahan
PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO Senior High School
DAGLIANG TALUMPATI
IsaJl
Anim (6) na minuto kasama ang paghahanda
Pamantayan Porsiyento
Interpretasyon 35%
Kaugnayan sa paksa (20%)
Pagbibigay diin sa damdamin (15%)
Hikayat 25%
Dating sa Madia [5%)
Kakanyahang pantanghalan (5%) Kilos, galaw, kumpas (10%)
Ekspresyon ng mukha (5%)
Tinig 20%
Lakas (5%)
Taginting (5%)
Kaangkupan ng diwa at damdamin
(•10%)
Bigkas 20%
Matatas
at maliwanag (10%)
Wastong pagbubukod ngsalita (5%)
Diin/himig (5%)
Kabuuan 100%
Patnubay sa Kalahok
a) Ang paksa na manggagaling sa Population Development Commission ay nahihinggil sa
tema ng paligsahan at ibibigay sa takdang oras mula sa lupon ng inampalan.
b) Siya ay bibigyan lamang ng tatlong minutong paghahanda hinggil sa paksang napili habang
nagtatalumpati ang sinusundang kalahok.
c] Ang bawat kalahok ay bibigyan ng tatlong minutong paghahanda hinggil sa paksa at
dalawa hanggang tatlong minuto naman sa pagtatalumpati.
d) May kabawasang puntos sa kabuuang iskor na labis o kulang sa itinakdang oras ng
pagtatalumpati:
1-30 segundo – .5 puntos
31-60 segundo – 1 puntos
61 segundo – pataas – 2 puntos
e) Itataas ang banderang berde bilang hudyat ng pagsisimula, banderang dilaw bilang hudyat
sa nalalabing tatlumpong segundo at banderang pula na tapos na ang itinakdang oras.
f) “Corporate attire” ang inaasahang kasuotan ng kalahok
II. Kagamitan mula sa Tagapag-organisa ng Paligsahan
a) Banderang berde, dilaw at pula
b) Paksang gagamitin
c) Orasan
Enclosure No. 2 to DepEd Memorandum No. , s. 2019
2019 PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO
SA FILIPINO
Paligsahan PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO
Baitang ng Mag- Isang kalahok mula sa bawat baitang 7, 8, 9 at 10.
aaral
Kategorya INTERPRETATIBONG PAGBASA (PAGBIBIGAY INTERPRETASYON SA
WASTONG PAGBASA NG TALUMPATI, MONOLOGO, DEKLAMASYON,
ISAHAN AT SABAYANG PAGBASA NG TULA)
Bilang ng Kalahok Apat (4)
Oras na Inilaan Dalawampung (20) minuto kasama ang paghahanda
Pamantayan Porsiyento
Interpretasyon 40%
Pagpapalutang ng diwa (20%)
Pagbibigay diin sa damdamin (20%)
Hikayat 20%
Dating sa madia (5%)
Pagbibigay buhay sa tauhan (5%)
Tindig (5%)
Batayan ng Kumpas/Kilos (5%)
Kapasyahan Bigkas 20%
Matatas at maliwanag (10%)
May pagbubukod bukod ng mga salita
_[5%L
May wastong diin at intonasyon (5%)
Tinig 10%
Lakas (5%)
Taginting (5%)
Kaangkupan ng diwa at damdamin 10%
Kabuuan 100%
Patnubay sa Kalahok
a) Ang piyesa na manggagaling sa tagapag-organisa ay ibibigay sa takdang araw ng
paligsahan.
b) Isang piyesa lamang ang gagamitin para sa pagbibigay-interpretasyon ng bawat kalahok.
<0 Bibigyan ng sampung (10) minuto ang bawat kalahok upang pag-aralan ang piyesang
bibigyan ng interpretasyon.
d) Malaya ang mga kalahok na baguhin ang pagkakasunod-sunod ng binasang piyesa.
e) Habang nagtatanghal ang unang kalahok, pag-aaralan naman ng susunod na kalahok ang
piyesa na tatagal din ng sampung minuto, susundin ang paraang ito hanggang sa pinakahuling kalahok
0 Lahat ng kalahok ay mamamalagi sa isang malaking silid na hindi maririnig ang
pagtatanghal ng iba pang kalahok; samantalang ang kasunod na kalahok ay mamamalagi naman sa isa pang silid upang pag-aralan ang piyesang babasahin.
g) Dapat angkop ang interpretasyon sa genreng nakasulat sa piyesa.
Ang kasuotan ng mga kalahok ay pantalong maong at puting t-shirt.
0 Ang pagtatanghal ay hindi lalampas sa sampung minuto kasama ang pagpasok at paglabas
ng mga kalahok
Enclosure No. 2 to DepEd Memorandum No. , s. 2019
2019 PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO
SA FILIPINO
Paligsahan PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO
Baitang ng Mag- Ang mga kalahok ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa Baitang 4,
aaral 5,6 at isang Graded SPED na may edad labinlima pababa.
Kategorya MADULANG PAGKUKUWENTO
Bilang ng Kalahok Apat (4)
Oras na Inilaan Dalawampung (20) minuto kasama ang paghahanda
Pamantayan Porsiyento
Interpretasyon 40%
Pagpapalutang ng diwa (20%)
Pagbibigay diin sa damdamin (20%)
Hikayat 20%
Dating sa madia (5%)
Pagbibigay buhay sa tauhan (5%)
Tindig (5%)
Batayan ng Kumpas/Kilos (5%)
Kapasyahan Bigkas 20%
Matatas at maliwanag (10%)
May pagbubukod bukod ng mga salita
I5%L
May wastong diin at intonasyon (5%)
Tinig 10%
Lakas (5%)
Taginting (5%)
Kaangkupan ng diwa at damdamin 10%
Kabuuan 100%
Patnubay sa Kalahok
a) Isang kwento ang bibigyan ng interpretasyon batay sa ibibigay ng mga hurado sa
takdang araw ng paligsahan.
b) Bibigyan ng sampung (10) minuto ang bawat kalahok upang pag-aralan ang kwentong
bibigyan ng interpretasyon.
c) Malaya ang mga kalahok na baguhin ang pagkakasunod-sunod ng kwento.
d) Habang nagtatanghal ang unang kalahok, pag-aaralan naman ng susunod na kalahok
ang kwento na tatagal din ng sampung minuto, susundin ang paraang ito hanggang sa pinakahuling kalahok
e) Lahat ng kalahok ay mamamalagi sa isang malaking silid na hindi naririnig ang
pagtatanghal ng iba pang kalahok; samantalang ang kasunod na kalahok ay mamamalagi naman sa isa pang silid upang pag-aralan ang kwento.
f) Ang pagtatanghal ay hindi lalampas sa sampung minuto kasama ang pagpasok at
paglabas ng mga kalahok.
g) Walang anumang “props” o kagamitan, background music at instrument na dadalhin
at gagamitin ang mga kalahok.
h) Iikot ang interpretasyon sa kuwento lamang.
II. Kagamitan mula sa Tagapag-organisa ng Paligsahan
a) Kwentong gagamitin
b) Orasan
Enclosure No. 2 to DepEd Memorandum No. , s. 2019
2019 PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO DepED
Paligsahan
Baitang ng Mag-
aaral
Kategorya
Bilang ng Kalahok
Oras na Inilaan
Batayan ng
Kapasyahan
SA FILIPINO
PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO Mula sa baitang Anim.
SULAT BIGKAS NG TULA (SULKAS) Isa (1)
Anim (6) na minuto kasama ang paghahanda
Pamantayan Porsiyento
Interpretasyon 35%
Kaugnayan sa paksa (20%)
Pagbibigay diin sa damdamin (15%)
Hikayat 25%
Dating sa Madia (5%)
Kakanyahang pantanghalan (5%)
Kilos, galaw, kumpas (10%)
Expresyon ng mukha (5%)
Tinig 20%
Lakas (5%)
Taginting (5%)
Kaangkupan ng diwa at damdamin
Bigkas 20%
Matatas
at maliwanag (10%)
Wastong pagbubukod ng salita (5%)
Diin/himig (5%)
Kabuuan 100%
I. Patnubay sa Kalahok
a) Ang tulang isusulat ay naayon sa tema na
ibibigay ng hurado sa araw ng patimpalak; apat
na saknong na binubuo ng apat na
taludtod na may tugma.
b) Ang mga kalahok ay bibigyan ng isang oras
na pagsusulat at tatlumpong minutong pag
eensayo.
c) Ang lahat ng papel ay lilikumin ng tagapagdaloy at sisimulan na ang paligsahan.
d) Ang lahat ng kalahok ay mamamalagi sa isang
malaking silid na hindi naririnig ang
pagtatanghal ng iba
pang kalahok.
e) Ang bawat kalahok ay bibigyan ng ratio hanggang limang minuto sa pagbigkas ng tula.
f) Ang kalahok ay magsusuot ng kasuotang Pilipino.
II. Kagamitan mula sa Tagapag-organisa ng Paligsahan
a) Paksang gagamitin
b) Papel, bolpen, lapis at pambura
c) Orasan
Enclosure No. 2 to DepEd Memorandum No. , s. 2019
2019 PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO
SA FILIPINO
j) Walang anumang “props” o
kagamitan, background music at instrument na dadalhin at
gagamitin ang mga kalahok.
k) Iikot ang interpretasyon sa piyesa lamang at walang adlib. II. Kagamitan mula sa Tagapag-organisa ng Paligsahan
a) Paksang gagamitin
b) Orasan
Paalala:
Mahigpit na ipinagbabawal sa mga kalahok ang pagdadala ng anumang electronic gadgets sa holding area at sa buong panahon ng pagtatanghal.
Hindi rin pinahihintulutan ang mga tagapagsanay na pumasok/lumapit sa holding area. Iwasan ang pagbanggit ng pagkakakilanlan ng mga kalahok.
Ang paglabag dito ay magiging sanhi ng diskwalipikasyon.
!
SA FILIPINO
Mga kategorya, bilang ng kalahok at bilang ng tagapagsanay sa bawat kategorya ay
ang mga sumusunod:
Kategorya
1. Madulang Pagkukuwento
2. Pagsulat at Pagbikas ng Tula
3. Dagliang Talumpati
4. Interpretatibong Pagbasa
Bilang ng Bilang ng Kabuuang
kalahok Tagapagsanay Bilang
4
1 1
Kabuuang bilang ng delegado sa bawat rehiyon 14
0 Comments