Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII
DIVISION OF CATBALOGAN CITY
Abril
10, 2018
MEMORANDUM PANSANGAY
No. 120 s. 2018
PAMBANSANG SEMINAR-WORKSYAP, KUMPERENSIYA, AT
PAKITANG-TURO 2018
NG DE LA SALLE UNIVERSITY
Para sa : Chief ng Curriculum Implementation
Division
Mga
Pampurok na Tagamasid
Punongguro ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralang Elementarya at Sekondarya
Mga Tagapayo
1. Batay sa advisory Big. 022, s. 2018 ng De La Salle University-Manila, ito ay nag-aanyaya
sa mga tagapangulo o tagapag-ugnay ng asignaturang Filipino, at mga piling guro sa bawat paaralan sa ibat-ibang antas na lumahok sa Pambansang Seminar-Worksyap, Kumperensya at Pakitang-turo ng De La Salle University – Manila na gaganapin sa ika-
25 hanggang 28 ng Abril 2018 sa Yunchengco 407-409 sa De La Salle University, Taft Avenue, Lungsod ng Maynila.
2. Ang layunin ng seminar-worksyap ay ang sumusunod:
a. Mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga
guro sa pedagohiyang
kooperatibo,
integratibo interaktibo, at outcomes-based sa wika at panitikan;
b. Mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga
guro hinggil sa paggamit ng ibat-
ibang midya sa
pagtuturo ng bagong kurikulum ng Filipino sa iba’t ibang antas;
c. Mapataas ang lebel ng kasanayan at
kahandaan ng mga guro sa paggamit ng
wikang panturo at
pagtuturo nito bilang asignatura sa iba’t ibang antas;
d. Makatulong sa retooling ng mga guro ng / sa Filipino sa iba’t ibang antas; at
e. Makapag-ambag sa pagpapalakas ng intelektwalisasyon
ng wikang Filipino sa
akademya sa
pamamagitan ng pagtataguyod ng mahusay, malikhain, at
mapanuring pagtuturo
at pananaliksik ng/sa Filipino sa iba’t ibang antas at
larangan.
3. Dahil ito ay Advisory, ang mga pampurok na tagamasid, mga punongguro at uiongguro
ng mga pampubliko at pampribadong paaralang
Elementarya at Sekondarya ay binibigyan ng kakayahang magpasiya sa
pagpapadala ng mga kalahok sa seminar.
Republic
of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION
Region
VIII
DIVISION OF CATBALOGAN CITY
4. Hinihiling
ang maaga at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
Kalakip: Wala
CRISTITOf. ECO, CESO V ^
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Sanggunian: Advisory
Pangrehiyon Big. 036, s. 2018
Pamamahagi: 1-2-3
( D. 0. 56-97)
llalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim
ng mga sumusunod na paksa
PAMBANSA
KUMPERENSIYA PAKITANG-TURO
0 Comments