Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION

Region VIII

DIVISION OF CATBALOGAN CITY

Abril 10, 2018

MEMORANDUM PANSANGAY
No. 120      s. 2018

PAMBANSANG SEMINAR-WORKSYAP, KUMPERENSIYA, AT PAKITANG-TURO 2018
                                                          NG DE LA SALLE UNIVERSITY

Para sa : Chief ng Curriculum Implementation Division
                Mga Pampurok na Tagamasid

Punongguro ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralang Elementarya at Sekondarya

Mga Tagapayo

1.     Batay sa advisory Big. 022, s. 2018 ng De La Salle University-Manila, ito ay nag-aanyaya

sa mga tagapangulo o tagapag-ugnay ng asignaturang Filipino, at mga piling guro sa bawat paaralan sa ibat-ibang antas na lumahok sa Pambansang Seminar-Worksyap, Kumperensya at Pakitang-turo ng De La Salle University – Manila na gaganapin sa ika-

25 hanggang 28 ng Abril 2018 sa Yunchengco 407-409 sa De La Salle University, Taft Avenue, Lungsod ng Maynila.

2.     Ang layunin ng seminar-worksyap ay ang sumusunod:

a. Mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga guro sa pedagohiyang
      kooperatibo, integratibo interaktibo, at outcomes-based sa wika at panitikan;

b. Mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga guro hinggil sa paggamit ng ibat-
      ibang midya sa pagtuturo ng bagong kurikulum ng Filipino sa iba’t ibang antas;

c. Mapataas ang lebel ng kasanayan at kahandaan ng mga guro sa paggamit ng
      wikang panturo at pagtuturo nito bilang asignatura sa iba’t ibang antas;

d. Makatulong sa retooling ng mga guro ng / sa Filipino sa iba’t ibang antas; at

e. Makapag-ambag sa pagpapalakas ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa
      akademya sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mahusay, malikhain, at
      mapanuring pagtuturo at pananaliksik ng/sa Filipino sa iba’t ibang antas at
      larangan.

3.     Dahil ito ay Advisory, ang mga pampurok na tagamasid, mga punongguro at uiongguro

ng mga pampubliko at pampribadong paaralang Elementarya at Sekondarya ay binibigyan ng kakayahang magpasiya sa pagpapadala ng mga kalahok sa seminar.


Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION
                     Region VIII

DIVISION OF CATBALOGAN CITY

4.     Hinihiling ang maaga at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

Kalakip:            Wala

CRISTITOf. ECO, CESO V  ^
Tagapamanihala ng mga Paaralan

Sanggunian:      Advisory Pangrehiyon Big. 036, s. 2018

Pamamahagi:     1-2-3 ( D. 0. 56-97)

llalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim ng mga sumusunod na paksa

PAMBANSA

KUMPERENSIYA                     PAKITANG-TURO

Categories: Uncategorized

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *