Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region VIII                                                                   

 DIVISION OF CATBALOGAN CITY          

20 ng Agosto 2018

MEMORANDUM PANSANGAY Blg. 300, s. 2018

MGA GAWAIN AT TIMPALAK SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2018

Para sa : Chief ng Curriculum Implementation Division

Mga Pampurok na Tagamasid

Punongguro ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralang Elementarya at Sekondarya

1.       Sa Memorandum Pangkagawaran na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon Big.  119 serve ng 2018 hinggil sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang-31 ng Agosto sa pangunguna ng Komposisyon ng Wikang Filipino ( KWF), isinasaad nito na layunin ng pagdiriwang ang mga sumusunod:

a. ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041, s. 1997;

b. mahikayat ang iba’t ibang ahensyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programangtulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; at

c.        magganyak ang mga  mamamayang  Filipino na  pahalagahan  ang wikang pambansa  sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.

2.     Bilang pakikilahok sa pagdiriwang na ito, hinihikayat ang lahat ng mga pampubliko at pampribadong paaralan sa bansa na magdibuho ng mga gawaing angkla sa tema ng pagdiriwang na Filipino: Wika ng Saliksik at lingguhang paksa na nakapaloob sa Memorandum Pangkagawaran Big. 119, s. 2018.

Inaasahan ang pag-oorganisa ng mga panayam, presentasyon ng mga saliksik, forum, lektyur at iba pang gawain. Samantalang, nererekomenda angtimpalak lispel Mo! ng KWF.

3.     Mahalagang nakaayon ang mga timpalak sa mga pamantayang pagganap (performance standard) ng kurikulum upang makita ang bisa nito. Mula sa konsultasyon sa mga panrehiyong tagamasid ng Filipino, narito ang opisyal na timpalak ng Kagawaran ng isasagawa mula sa mga paaralan, dibisyon at pangrehiyonal na programa.   Samantalang, iaangkla sa timpalak ng National Festival of Talents (NFOT) ang pangnasyunal na timpalak nito.

Para sa Baitang 4-6                            : Madulang Pagkukuwento

Para sa Baitang 6                               : Sulat Bigkas ng Tula (SULKAS TULA)

Para sa Baitang 7-10 (JHS)             : Interpretatibong Pagbasa

Para sa Baitang 11 -12      (SHS)    : Dagliang Talumpati

4.     Ipinapaalala rin ang isinasaad ng Kautusang Pangkagawaran Big.          25, s. 2018 hinggil sa kabuuang

bilang ngklase.

5.     Para sa mga karagdagang impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa Curriculum Implementation

Division (CID) c/o Florita L. Lee, EPS Filipino, Sangay ng Catbalogan City.

6.     Hinihiling ang malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

CRISTTTO A. ECO, CESO V

Kalakip:         Wala

Sanggunian:   Memorandum Pangkagawaran, Big 119 s. 2018

Kautusang Pangkagawaran, Big. 25, s. 2018

Pamamahagi:      1-2-3 ( D. O. 56-97 )

llalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim ng mga sumusunod na paksa
PAGDIRIWANG / PISTA             PALIGSAHAN                                KURIKULUM  

Categories: Uncategorized

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *